Pagtatapos 2019: PES 1, Nagdiwang!​

            

Taimtim na idinaos ng ating paaralan ang pagtatapos ng mga mag-aaral sa ika-anim na baitang sa tulong ng  mga guro at mga magulang.

Sa paghahanda pa lamang ay talagang pinagbuhusan ito ng lakas at panahon. Sa mga papel at palamuting dekorasyon, pagkakabit ng entablado, paglalagay ng iba-ibang kulay ng ilaw, pag-aayos ng mga silya at pagpapanatili ng kalinisan sa bakuran ng paaralan at maging sa mga kasuotan ng mga guro, ay masasabing buong sikap itong pinaghandaan.

Nag-umpisa ang seremonya sa ganap na 7:20 sa pagmamartsa ng mga mag-aaral at magulang. Binigyang gabay ang daloy ng palalatuntunan ni Gng. Rowena E. Tupaz, guro sa ika-apat na baitang. Ipinakilala ni Gng. Concepcion F. Robles, nanunungkulang punungguro ng paaralan ang bilang ng mga batang magsisipagtapos gayundin si Dr. Remedios P. Rey, Tagamasid Pampurok ng Malabon I. Binigyang basbas ito kasabay ng pagbati ni Gng. Evelyn Callada, Tagamasid Pansangay sa Matematika ng Malabon at kinatawan din ng ating Tagapamanihalang Pangsangay na si Dr. Helen Grace V. Go, CESO V. Kasabay ng mga nasabing personalidad ay naroon din ang mga bisista mula sa Division Office ng Malabon na sina Gng. Tess Nieverra at Gng. Patricia Kay Bugaoisan bilang evaluators.

Sa pagpapatuloy ng programa, iginawad kay John Louie D. Magcamit ang parangal bilang AMO Awardee at Best Pupil of the Year naman si Grezel Joy D. Rizaldo. Iginawad din ang “may karangalan” sa labing-siyam na mga batang mag-aaral ng ika-anim na baitang.

Samu’t-saring emosyon ang naramdaman ng bawat mag-aaral lalo na nang nahawakan na nila ang katibayan ng kanilang pagtatapos. Gayundin, sa pagkanta ng mga awit na iniaalay nila sa kanilang mga naging kaibigan, at mga guro sa pitong taon nilang paglalagi sa paaralan.

Naging matiwasay ang daloy ng palatuntunan at napuno ito ng kasiyahan. Labis ang kagalakan ng mga guro lalo na ng mga guro sa ika-anim na baitang sa pamumuno ni Gng. Agnes G. Cruz, G. Reymart B. Tiosan, G. Aquilio P. Collingwood, Gng. Monica F. Pagdanganan at G. Mayjay S. Natividad. Katuwang din nila sina Gng. Ermida D. Lorenzo at G. Hildo S. Fernandez.

Natapos ang palatuntunan sa isang kantang inihanda nila para sa lahat ang “One Day”, baon ang pangarap ng bawat isa na makatapos sila sa pag-aaral at makamit ang kanilang minimithing pangarap.

SOCIAL MEDIA

OUR LOCATION