Pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2020

Nakatuon ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2020 sa paggamit ng Wikang Filipino at mga Katutubong Wika bilang sandata sa pakikidigma sa hamon ng pandemya.
Ang layunin nito ay ang pakikipag-ugnayan sa bawat isa sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga impormasyon o pabatid-publiko gamit ang Wikang Filipino at mga Katutubong Wika.
Dahil dito, nagkakaroon ng mabilis at epektibong pakikipag-ugnayan at nakakapagpaalis ng takot dahil napag-uusapan ang pandemya sa wikang komportable ang mamamayan.
Ang pagbabayanihan ay isang tatak at kulturang ipinagmamalaki ng mga Pilipino. Ipagpatuloy natin ang Maka-Filipinong Bayanihan!
#BuwanNgWika2020 #PES1GreatnessInUnity