Brigada na sa PES 1, Tagumpay!

 

Brigada na sa PES 1, Tagumpay!

Tagumpay na isinagawa ng pamunuan ng Panghulo Elementary School I (PES I) ang “Brigada Eskwela 2019” noong mayo 20 bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase ngayong Hunyo.

            Sa naganap na pagpupulong, nagbigay ng mga gawain si Gng . Concepcion F. Robles nanunugkulang punongguro ng paaralan katuwang ang Brigada School Coordinator na si Gng. Lorena A. Roxa at si G. Rommel D. Marcelo, isang dalubguro sa ikalimang baitang. Nabatid nila na ang mga pangunahing pangangailangan ng paaralan ay mga kagamitan sa paglilinis tulad ng walis, dustpan, sabon at iba pa.

            Naganap ang proyektong ito ng Department of Education sa isang parade kasama ang mga magulang, mga mag-aaral, mga guro ,mga iba pang kawani ng paaralan, at iba pang boluntaryong naghatid ng tulongkasama ng mga tanod ng barangay. Maraming nakiisa sa paghahanda. Tumulong ang lokal na pamahalaan sa mga gamit na kakailanganin at gawain na maari nilang maibigay. Nagpahiram ang Barangay Panghulo sa pangunguna ng kapitan na si Kgg. Ian Emmanuel E. Borja ng isang mobile na ginamit sa parada.

Iba’t- ibang klase ng pagtulong ang isinagawa ng mga boluntaryo kagaya na lamang ng pabibigay ng pintura. Nagbigay din ang barangay ng libreng polo shirts para sa mga guro at GPTA officers at libreng gupit para sa mag-aaral. Kasama sa mga aktibidad ang pagpipintura ng mga silid-aralan, mga pasilidad, at maging paglilinis ng buong compound ng paaralan.

            Bukod sa lokal na pamahalaan, mayroon pang mga samahan at organisayon na nagpaabot ng kanilang tulong. Nariyan ang Ashlar, Palawan Express batch 1997 na nagbigay ng mga kagamitan at naghandog ng mga materyales sa pagpapagawa ng stage ng paaralan. Nagbigay din ng kanilang tulong ang Teres Habitan Government Employee / Undersecretary ng Department of Finance. Marami rin ang nagbigay ng cash na siyang gagamitin sa mga kakailanganin pang gamit.

            Tagumpay na natapos ang brigada nang maayos at malinis ang paligid. Bagong pintura ang mga pader at bawat silid.

            Ang Brigada Eskwela ay sinimulang ipatupad ng DepEd noong 2003 sa buong pampublikong paaralan ng bansa. Ito ay may layuning maihanda at maisaayos ang paaralan bago pa magsimula ang klase. Ito ay naipapatupad sa pamamagita ng pagbabayahihan at pakikipagtulungan ng mga taong nasasakupan ng paaralan.

            Ang Panghulo Elementary School I ay patuloy na nagsasagawa ng ganitong proyekto ng paaralan at patuloy na naghahangad na mas mapaganda pa ang  paaralan. (Mayjay S. Natividad,Gr.6 Teacher)

Inihanda ni:’
MAYJAY S. NATIVIDAD
Gurong Tagapag-ugnay sa Filipino/ SPA- Filipino

Ipinabatid kay:
CONCEPCION F. ROBLES
Nanunungkulang Punongguro

Ang balitang ito ay nabatid at aking  inaaprubahan upang mailathala sa website ng paaralan.

Leave a Comment