Yes! Back to School na naman!

 

Yes! Back to School na naman!

(Lathalain)

“Ang bilis ng araw!..” kalimitan nating naririnig ang mga salitang ito kapag malapit na naman ang pasukan. Halos dalawang buwan ang bakasyon ng mga mag-aaral at sinulit ito ng laro,pahinga, lakwatsa at kung ano ano pang gawain. Ngunit pagtapos ng ilang araw na iyon, heto na naman ang araw na kinakasabikan nang lahat ng mag-aaral, ang pagbubukas muli ng paaralan. Nagpost na sa facebook ang aming paaralan tungkol sa Brigada Eskwela 2019. Nagpunta na sila nanay at tatay upang maglinis ng bawat room at magkumpuni ng mga  sirang gamit. Nariyan din ang mga ilang mag-aaral na animo’y excited din habang nagwawalis ng bakuran ng paaralan. Naroon ang mga guro na nagpupunas ng mga bintana, silya at mesa. May mga iba pang taong boluntaryong tumutulong sa paglilinis ng paaralan. Handang handa na nga ang paaralan sa pasukan.

            Handa na rin ang kagamitan ng mga mag-aaral. Bumili na si nanay ng mga kakailanganin na gamit pampaaralan. Pinalitan na rin ang lumang sapatos at unipormeng napagliitan na. May bagong lunchbox at lalagyan ng inumin. Ang saya ng mga mag-aaral ay kusang nakikita sa kanilang mga mata. Isang tulog na lang at pasukan na  .Ang mga bata ay alumpihit at hindi na makatulog. Ang iba ay gabi na natulog at maagang nagising.

Heto na!……Unang araw  ng pasukan. Excited ang lahat na pumasok at magpakitang ng mga bagong gamit na ilalabas sa oras na kakailanganin ito. May pabaon pa si nanay na biscuits, kanin na may ulam at juice at syempre may baon pang pera. Sa unang araw pa lang, nagkaroon kaagad ng flag ceremony. Nakapila ang lahat at tila ba hindi mahulugang karayom ang bakuran ng paaralan. Tinitignan na bawat isa kung sino sino ang nasa kanilang paligid, ano ang bago at sino ang kanilang magiging guro. Sa pagpasok sa kanilang silid, tahimik ang lahat dahil makikilala pa lang nila ang kanilang bagong guro. Inaalam pa nila kung si Maam o si Sir ay masungit o mabait.

Sa kabilang banda, ang mga guro ay handa na rin, nagpakilala sila at masayang binati ang mga mag-aaral. Nagpakilala ang magkakaklaseng may kaunting hiya. May mga dumarating pang mga bata kahit nakakalahati na kami sa oras ng klase. Marahil sila ang mga batang hindi pa nakapag paenrol o kaya naman ay galing sa ibang lugar. Masaya ang unang araw. Makikita ito sa mga ginagawa ng mga bata. Pursigido silang magbasa, nagsulat, magsolve sa math at magkulay.

Kahit na may kaba pa lang sa unang araw, uuwi ang mga mag-aaral na masaya at gagawa ng mga takdang aralin. Ngunit ito’y unang araw pa lang. Marami pang araw ang darating. Maraming pang mga activities sa paaralan ang naghihintay. Marami pang mga lessons na ibigay ang guro. Ilan pang mga gawain ang gagawin pa. Ngunit sa huli,ang mga batang pursigido sa pag-aaral ay matagumpay na matatapos at magiging makabuluhan muli ito sa kanila. Kasama na rito ang bagong kaalaman at kasanayang ibinahagi sa kanila ng mga guro. Sulit ang araw ng pasukan. At matatapos din itong sulit dahil ang karanasan ay hindi maipagpapalit. (Mayjay S. Natividad,Gr.6 Teacher)

Inihanda ni:’
MAYJAY S. NATIVIDAD
Gurong Tagapag-ugnay sa Filipino/ SPA- Filipino

Ipinabatid kay:
CONCEPCION F. ROBLES
Nanunungkulang Punongguro

Ang balitang ito ay nabatid at aking  inaaprubahan upang mailathala sa website ng paaralan.

Leave a Comment